
Ipinagpatuloy ngayong araw ang pagdinig sa kahilingan ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na makapagpiyansa.
May kaugnayan ito sa kanyang kasong qualified human trafficking kasama ang limang iba pang mga akusado.
Sa ikatlong hearing kanina sa Pasig City RTC Branch 159, dumalo ang limang co-accused ni Pastor Quiboloy.
Hindi naman personal na nakarating ang evangelist pero siya ay dumalo sa pamamagitan ng video conference.
Kinumpirma naman ni Atty. Israelito Torreon na muling sumalang sa kanilang cross examination ang pangunahing complainant sa kaso na si alias Amanda.
Nanindigan naman si Torreon na mahina ang evidence of guilt laban sa kanyang kliyente.
Aniya, umaasa silang mapagbibigyan ang kanilang bail petition dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya na magdidiin sa kaso kay Pastor Quiboloy.