Bakasyonista, nahulog mula sa gusali ng isang resort sa isla ng Boracay

63

Boracay — Sugatan ang babaeng bakasyonista matapos na mahulog ito mula sa gusali ng isang resort sa Balabag, Boracay. Kinilala ang turistang si Leana Carmen Moreno, 42 anyos, ng San Antonio, Pasig City na ilang araw ng naka check in doon. Base sa report ng Malay PNP na natagpuan na lang ang biktimang nakahandusay sa labas ng bakud ng hotel. Kaaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Boracay Fire and Rescue Volunteers Incorporated (BFRAV) at dinala sa Ciriaco Tirol Hospital ang biktima. Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakainum ang biktima na isa sa mga tinitingnang dahilan ng pagkahulog nito. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kaugnay dito.

Facebook Comments