BAKBAKAN | 7 komunistang terorista patay sa sagupaan sa Antique

Antique – Patay ang pitong komunistang terorista matapos na makipagbarilan sa mga pulis at sundalo nang isilbi ang warrant of arrest laban sa dalawang suspek na may mga kasong frustrated murder sa Barangay Atabay, San Jose, Antique.

Ayon kay PNP Region 6 Spokesperson Police Chief Inspector Joem Malong alas -12:10 ng madaling araw kanina nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa dalawang suspek.

Kinilala ang mga itong sina Jason Talibo alyas Bebe at Joven Ceralvo alyas Lex.


Sa halip sumuko ang dalawa ay nanlaban at nakipagbarilan pa ang mga ito dahilan para magkaroon ng sagupaan na nagtagal ng 33 minuto.

Sa engkwentro nasawi ang dalawang may kasong frustrated murder at limang iba pa.

Wala namang naitalang sugatan sa panig ng mga pulis at sundalo.

Facebook Comments