BAKBAKAN | 7 miyembro ng NPA, sawi matapos makipagbarilan sa Antique

Antique – Patay ang pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makipagbarilan sa militar at pulisya sa Purok 7, Barangay Atabay, bayan ng San Jose, Antique.

Sa ulat, isisilbi sana ng pulisya ang warrant of arrest laban sa dalawang suspek na may kasong frustrated murder subalit nanlaban ang grupo na pinaniniwalaang sangkot sa mga insidente ng pangingikil.

Kabilang sa mga napatay ay sina Jason Talibo na siyang pakay ng mga otoridad; Karen Ceralvo, Felix Salditos, Jason Sanchez, Rene Yap, Liezel Bandiola at isang hindi pa nakilalang lalaki.


Habang nakatakas naman ang isa pang iisyuhan ng warrant na si Joven Seralvo.

Narekober sa lugar ang ilang extortion letter na nakapangalan mula sa Napoleon Tumagtang command ng southern front ng NPA, listahan ng ilang indibidwal at negosyante; ATM cards, pera, iba’t-ibang cellphones, mga camera, notebook computer, isang motorsiklo, mga hand grenade at mga bala.

Facebook Comments