BAKBAKAN | Kuta ng BIFF natagpuan sa Maguindanao

Maguindanao – Natunton ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pinagkukutaan ng mga hinihinalang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Ayon kay Major General Cirilito E. Sobejana, Commander, 6th Infantry Division, nakipagpalitan ng putok ang nasa 15 BIFF subalit nagdesisyong abandonahin ang kanilang kampo makaraang madehado.

Sa combat clearing operation narekober 3 riple, dalawang IED at mga magazine.


Walang nasaktan o napatay sa panig ng mga rebelde at militar.

Facebook Comments