BAKBAKAN NA | Super flyweight, next target ni Donnie ‘Ahas’ Nietes

65

Manila, Philippines – Target ngayon ni longest reigning Filipino world champion Donnie “Ahas” Nietes na umakyat sa super flyweight sa susunod na laban nito. Ayon kay Nietes, susubukan niya ang kaniyang kapalaran makasungkit ng four-division world titlist. Ilan sa mga nais nitong nitong makalaban ay sina Nicaraguan Boxer Roman “Chocolatito” Gonzalez o si Juan Francisco Estrada ng Mexico para sa bakanteng WBO Super Flyweight title. Nais din niya sa Las Vegas gawin ang venue ng next fight dahil sa nakita nito na maraming mga boxing fans ang nanood sa kaniyang laban. Kasalukuyang kampeon si Nietes sa 105 pounds, 108 at 112 pounds kung saan susunod niyang target ay ang 115 pounds.

Facebook Comments