BAKIT KAYA? | Ian Veneracion, hindi papayagang pumasok sa showbiz ang kanyang mga anak

118

Manila, Philippines – Hindi papayagan ni Ian Veneracion na mag-artista ang kanyang tatlong anak.

Sabi ng 43-year old heartthrob – ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang mga naranasan niya sa mundo ng showbiz.

Ito ang reaksyon ng aktor kasunod ng komento ng kanyang mga fans na artistahin din ang mga anak niyang sina Draco (19 Y/O), Deidre (17 Y/O) at Duccio (11 y/o).

Samantala sa Hollywood, may panawagan sina Prince Harry at Meghan Markle para sa mga magreregalo sa nalalapit nilang kasal.

Ayon sa Kensington Palace, imbes na regalo, donasyon na lang daw ang ibigay para sa mga napili nilang charities.

Gaganapin ang royal wedding sa May 19 sa Windsor Castle sa England.

Facebook Comments