BAKUNA BUS AT SCHOOL BASED VACCINATION SA DAGUPAN CITY, INILUNSAD

18
Sabay na inilunsad ang Resbakuna Bus at School Based Vaccination sa lungsod ng Dagupan na daan upang maabot ang mga batang edad 5-11 na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 sa tulong ng Philippine Red Cross.
Ayon kay Rex Vincent Escaño ang OIC ng PRC Pangasinan, target na mabakunahan sa Bakuna Bus kada araw ang isang libong bata sa Dagupan City.
Iikot ito sa apat na paaralan sa lungsod kada araw na magtatagal ng sampung araw.

Una nang pinuntahan nito ang West Central Elementary School kung saan matiyagang pumila ang mga magulang at kanilang anak upang mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Pagkatapos mabakunahan ang mga bata binigyan ang mga ito ng school supplies gaya ng lapis, tasar, coloring book, papel at iba pa.
Sinabi naman ni Dr. Dalvie Casilang ang City Health Officer ng Dagupan City, inaasahan na mababakunahan ang natitirang 19,000-20, 000 na batang edad 5-11 bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Nanawagan ito sa mga magulang na payagang ipabakuna ang mga anak kontra COVID-19 upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit.
Ang Resbakuna Bus ang kauna-unahan sa Dagupan City at Pangasinan na nakatakda ding magbakuna ng mga senior citizen at adult population. | ifmnews
Facebook Comments