Bakuna, susi sa pagbangon ng ekonomiya hindi ang pagtapyas ng non-working holidays – Robredo

49

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ang pagsasagawa ng vaccination rollout ang susi para muling sumigla ang ekonomiya ng bansa, at hindi ang pagtatapyas ng non-working holidays para sa taong ito.

Ito ang pahayag ni Robredo matapos amiyendahan ang listahan ng mga holidays para sa taong 2021.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na mahalaga ang  holidays para makasama ng mga manggagawa ang kanilang mga pamilya o makapagbakasyon.

Nagtataka si Robredo kung bakit mas inuuna ng gobyerno na bawasan ang non-working holidays.

Aniya, may malaking implikasyon ito sa mga manggagawa lalo na sa mga nakakatanggap lamang ng regular pay para sa mga working holidays.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1107, na nagdedeklara sa tatlong special non-working holidays na gawing special working days.



Ito ay ang November 2 (All Souls’ Day), December 24 (Christmas Eve), at December 31 (New Year’s Eve).


Facebook Comments