Balak na pagbubukas muli ng imbestigasyon ng Mamasapano Incident, suportado ni Senator Poe

Manila, Philippines – Handang suportahan ni Senadora Grace Poe ang plano ni Senador Richard Gordon na imbestigahang muli sa ikatlong pagkakataon ang Mamasapano incident kung saan isinasangkot si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Poe, susuportahan niya ang nais ni Gordon basta’t may mga bagong ebidensya itong ihaharap.

Tiwala naman ang senadora na haharap si Aquino reopening ng Mamasapano probe ng Senado.
Aniya, sinabi na noon ni Aquino na malinis ang kanyang konsensya sa pagkamatay ng SAF44 at naniniwala siyang walang itinatago ang dating Pangulo.


Facebook Comments