BALANGIGA BELLS | Lokal na pamahalaan ng Balangiga, Eastern Samar, nakahanda na

Nakahanda na ang lokal na ng Balangiga, Eastern Samar sa pagbabalik ng Balangiga bells.

Ayon kay Fe Campanero, municipal tourism culture and arts officer, handa na rin ang pansamantalang paglalagyan ng tatlong kampana ng Balangiga sa compound ng St. Lawrence The Martyr para masilayan ng publiko.

Aniya, matapos ang ceremonial turn over, isasagawa ang banal na misa na susundan ng programa, mga pagtatanghal at fireworks display.


Tiniyak naman ni Balangiga, Eastern Samar Mayor Randy Graza, na all set na rin ang kanilang seguridad sa inaasahang pagdagsa ng mga opisyal ng gobyerno, foreign dignitaries at mga turista.

Sa ngayon, nasa American Camp na sa Okinawa, Japan ang mga kampana at handang-handa nang ibiyahe papunta ng Pilipinas.

Ang dalawa sa mga kampana, nanggaling pa sa Wyoming, USA at isa naman ang galing sa Camp Red Cloud sa South Korea.

Facebook Comments