Balasahan, nakaamba sa mga tauhan ng NAIA

Napipintong magkaroon ng balasahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos madismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aberya ng biyahe ng eroplano sa paliparan.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinahiwatig ng Pangulo ang rigodon sa NAIA officials sa cabinet meeting noong Lunes ng gabi.

Aniya, inisa-isa ng Pangulo ang mga nadiskubre niyang kapalpakan nang sorpresang mag-inspeksyon sa NAIA noong Lunes ng madaling araw.


Matatandaan sa ginawang inspeksyon ng Pangulo sa NAIA, kinausap nito ang ilang pasahero at personal na humingi ng paumanhin sa mga perhuwisyong dala ng cancelled at delayed flights.

Facebook Comments