BALAY SILANGAN SA TAYUG, PINASINAYAAN

Pormal nang binuksan at binasbasan ang Balay Silangan Reformation Program sa Tayug, Pangasinan na magsisilbing pasilidad sa rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng mga dating sangkot sa ilegal na droga.


Ayon sa ulat, ito umano ay nakatakda para sa repormasyon ng mga drug surrenderers at dating drug offenders.


Kasama sa pasilidad ang mga komprehensibong programa tulad ng values formation, spiritual enrichment, pagsasanay sa kabuhayan, at iba pang community-based interventions para matulungang makapagsimulang muli ng mga ito.

‎‎
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO), itinayo ang pasilidad sa pakikipag-ugnayan ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments