BALIK-ALINDOG | Mariel Rodriguez, unti-unti nang bumabalik ang sexy figure

49

Manila, Philippines – “Fat is not forever!”

Ito ang personal motto ng aktres na si Mariel Rodriguez habang unti-unti niyang ibinabalik ang kanyang sexy figure.

Matatandaang umabot sa 178 pounds si Mariel matapos na manganak sa panganay nila ni Robin Padilla na si Isabella.

Kwento ng actress/ tv host, the struggle is real noong fat days niya dahil bukod sa hirap na hirap siyang maghanap ng isusuot na damit at sapatos, ilang job offers din daw ang tinanggihan niya dahil sa kanyang katabaan.

Pero ngayon, proud daw si Mariel na nabawasan na siya ng 40 pounds!

Ginagawa niya raw ito hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang anak.

Gusto raw kasi niya na laging makita ni Isabella ang best at pretty side niya bilang mommy.

Facebook Comments