Balik-eskwela at pagdaraos ng Brigada Eskwela ng mga pampublikong paaralan sa bansa, inanunsyo na ng DepEd

97

Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Education (DepEd) ang petsa ng pagbabalik-eskwela at pagdaraos ng Brigada Eskwela ng mga pampublikong paaralan sa bansa para sa school year ‎2017-2018.

Ayon sa DepEd, ang school opening para sa susunod na pasukan sa public elementary at high school ay sa Hunyo 5.

Bagamat malaya ang mga private school na pumili ng araw ng pagbabalik-eskuwela, ayon sa DepEd, hindi dapat ito mas tumagal pa sa huling araw ng Agosto, 2017.

Samantala, nakatakda naman ang Brigada Eskuwela mula Mayo 15 hanggang Mayo 20.

Ang Brigada Eskuwela ay ang pagtutulungan ng mga guro, mga magulang at mga estudyante para linisin at ayusin ang mga silid-aralan sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase.
Nation”

Facebook Comments