BALIK KULUNGAN | Lalaking bagong laya sa kulungan, arestado sa iligal na droga sa Tacloban

16

Tacloban City – Kalaboso ang isang lalaki matapos itong maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 92, Apitong, Tacloban City.

Kinilala ang suspek na si Kim Berdejo Boco na kalalaya lamang sa kulungan dahil sa kaparehas na kaso.

Nakuha sa suspek ang isang plastic sachet na shabu na may market value na aabot sa P500.00.

Aminado naman ang suspek sa krimen at sinabing walang makuhang trabaho kaya at bumalik na lamang siya sa pagbebenta ng iligal na droga.

Facebook Comments