BALIK NA | Congressional Spouses Foundation Inc., balik Kamara na matapos palayasin noon ni dating Speaker Alvarez

49

Manila, Philippines – Balik Kamara na ulit ang Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) matapos na palayasin noon sa Batasan Complex ni dating Speaker Pantaleon Alvarez dahil kinukulang ng opisina para sa mga deputy speakers at partylist congressmen.

Si Luli Arroyo-Bernas na anak ni House Speaker Gloria Arroyo ang siyang Presidente ngayon ng CSFI na dating pinamumunuan ng asawa ni Alvarez na si Emelita.


Ayon kay GMA, umaasa siyang masaya na ang mga congressional spouses dahil may sarili na ulit silang lugar sa Kamara.

Hinimok ni GMA ang mga congressional spouses na magkaisa, suportahan at ipagptuloy ang mga proyekto para sa mga constituents sa natitirang isang taon sa Kongreso.

Isa sa mga proyekto na inilalatag ngayon ng congressional spouses ay ang Kabuhayan Fair na layong makatulong sa pang-araw araw na buhay ng kanilang mga ka-distrito.

Facebook Comments