BALIK ‘PINAS | Mahigit sa 40 OFW mula Jeddah, nakauwi na ng bansa

44

Manila, Philippines – Nakauwi na ng bansa ang mahigit sa 40 Overseas Filipino Workers galing Jeddah Saudi Arabia.

Lulan ang mga ito ng Philippine Airlines flight PR663 at lumapag sa NAIA Terminal 1 kaninang alas sais trenta’y ocho ng umaga.

Sinalubong ang 45 na OFWs ng OWWA repatriation team na umalalay sa mga ito para sa customs at immigration documentation formalities.

Karamihan sa mga ito ay pumasok sa UAE bitbit lamang ang tourist visa at biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Matatandaan na libo-libong OFWs na apektado ng Saudization program, ang iligal na nanatili sa saudia arabia, kaya nag alok ng amnestiya ang gobyerno duon para mabigyan ng exit visa para makauwi ng Pilipinas.

Samantala, pinagkalooban sila ng livelihood assistance ng gobyerno upang makapagsimula ng kahit maliit na negosyo bilang panimula sa pagbabalik nila sa ‘Pinas



Facebook Comments