Balitang walang pasok sa May 26, walang katotohanan ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng MalacaƱang na walang katotohanan ang lumalabas sa Social Media na walang pasok sa Metro Manila sa darating na Biyernes o sa Mayo 26 dahil umano sa obserbasyon ng Ramadan sa bisa ng Proclamation Number 197.

Ayon sa Office of the Executive Secretary, ang naturang proklamasyon ay noon pang Abril 28 at ito aniya ay kasunod narin ng 30th ASEAN Leaders Summit na ginanap sa Metro Manila.

Nanawagan naman ang MalacaƱang sa publiko na huwag magpapakalat ng hindi berepikadong impormasyon o mga fake news na nagdudulot ng kalituhan sa publiko.
DZXL558, Deo de Guzman


Facebook Comments