BAMBOO PRODUCTS NG MGA FARMERS SA ALAMINOS CITY, IBINIDA AGRI-TRADE EXPO 2023

Ibinida sa Bamboo Day Celebration na bahagi ng Agri-Trade Expo 2023 1st District Wide ang mga bamboo products na gawa ng farmers mula sa Alaminos City.
Pinangasiwaan ang naturang aktibidad ng City Agriculture Office at ng City Cooperatives Office.
Naglalayon ang naturang aktibidad na hikayatin ang mga mamamayan ng lungsod na magtanim ng kawayan at gayundin ay mapalakas at mapataas pa ang pang unawa ng lahat sa importansya ng kawayan sa kalikasan at kung paano ito makatutulong sa kabuhayan ng tao at maging pagpapaunlad ng bawat nayon at lungsod.

Samantala, ang lungsod ay nagkasiyahan sa pagdiriwang ng kanilang Hundred Islands Festival 2023. |ifmnews
Facebook Comments