Ban sa sabong at off-track horse race betting, inalis na ng IATF

524

Inalis na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ban sa sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kasunod ito ng pag-apruba ng resolusyon sa pagbabalik ng operasyon ng mga sabungan sa bansa alinsunod sa mga minimum health standard.


Bukod dito, pinayagan na rin ang pagbubukas ng mga off-track betting (OTB) para sa karera ng kabayo sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Mahigpit namang ipagbabawal ang pagkakaroon ng manonood sa sabungan, pati na rin ang online at remote na pagtaya ng mga mananabong.

Facebook Comments