Banat ni Cong. Paolo Duterte sa mga kongresistang lumagda sa impeachment ni VP Sara, hindi na ikinagulat ni PBBM

Hindi na ikinagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging reaksyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa pag-apruba ng Kamara sa impeachment ni VP Sara Duterte.

Tugon ito ng pangulo sa pahayag ni Rep. Duterte na isang political persecution o pang-aabuso sa kapangyarihan at panggigipit ang pag-impeach sa kaniyang kapatid.

Ayon sa pangulo, mas magtataka siya kung sasang-ayunan nito ang pagpirma ng mga kongresista para maiendorso sa Senado ang impeachment complaints.


Narinig na aniya nito kung papaano magsalita ang kongresista kaya hindi na nakabibigla ang mga naging banat nito sa mga kapwa kongresistang pumirma para ma-impeach ang kanyang kapatid.

Facebook Comments