Banat ni Davao City Mayor Baste Duterte na nagiging malamya ang Marcos admin sa mga kriminal, kinontra ng Malacañang

Kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte na nagiging nagiging malamya na ang pamahalaan sa mga kriminal kaya talamak ang krimen sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nagtataka kung saan kinuha ni Mayor Baste ang kaniyang basehan.

Di hamak na mas marami aniya ang krimen noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ito ay mapapatunayan ng mga record.


Hamon ni Castro kay Mayor Baste, magpakita ng datos ang para mapatunayan ang kaniyang paratang.

Pinayuhan din ng opisyal ang alkalde na tingnan at araling mabuti ang records at makipag-usap na rin sa mga abogado para malaman ang totoong crime rate sa bansa.

Facebook Comments