
Umalma ang Malacañang sa banat ni Davao City Mayor Baste Duterte na sinungaling umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagiging bukas niya sa pakikipagkasundo sa kanilang pamilya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang matinong lider ang hindi magiging bukas sa pakikipagkasundo, lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng mamamayan at bansa.
Giit pa ni Castro, hindi naman nag-alok ang pangulo, kundi sinabi lang na bukas siyang makipagkasundo sa mga Duterte kung may pagkakataon.
Ang pagiging bukas din aniya ng pangulo sa reconciliation ay hindi lang limitado sa mga Duterte, kundi para sa iba pang tutol sa kaniyang mga polisiya.
Ayon kay Castro, psoibleng hindi naiintindihan ni Mayor Baste ang ibig sabihin ng pangulo o sadyang napaliligiran lamang ito ng fake news peddlers.