Banat ni DSWD Assistant Secretary Lorraine Badoy sa European Union, kinondena ni LP President at Senator Francis Pangilinan

Manila, Philippines – Kinondena ni Liberal Party President at Senator Francis Pangilnan si Dept. of Social Welfare and Development o DSWD Assistant Secretary Lorraine Badoy.

 

Kaugnay ito sa banat ni Badoy sa European Union na maglibang na lang ito sa child pornography kaysa i-destabilize ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sa kanyang social media post ay sinabi ni Badoy sa child porn naman magaling ang European Union habang abot abot ang pagtatanggol nito kay Pangulong Duterte na bidang bida aniya sa Time Magazine.

 

Pero giit ni Sen. Pangilinan, ang nasabing komento ni Badoy laban sa European Union ay tasteless at completely unnecessary – o pangit at wala sa lugar.

 

 

Sabi pa ni Sen. Pangilinan, sana ay matuto na si Badoy na mag ingat sa mga binitiwan nitong salita dahil iba ang sukat sa mga salita ng isang opisyal ng pamahalaan.



Facebook Comments