Banggaan ng Motorsiklo at Tricycle, Tatlo ang Sugatan!

Cauayan City, Isabela – Tatlo ang sugatan at isa ang nasa malubhang kalagayan sa naganap na banggaan ng tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Barangay District 1, Cauayan City kaninang madaling araw sa oras na alas dose y medya.

Ito ay kinasangkutan ng Euro motorcycle na minamaneho ni Jun-Jun Rabago, 20 anyos, residente ng Barangay Sindun Bayabo, Ilagan City at ng kanyang kasama na si Johny Fernandes,36 taong gulang at residente ng Barangay Palattao, Naguilian, Isabela. Isa pang Honda TMX tricycle na minamaneho naman ni Alberto Lopez, 39 na taong gulang at residente ng Minante 1 Cauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan na binabaybay ng tricycle ang Napocor Street sa District 1 papuntang west direction at habang nasa palikong daan ng nasabing higway ay bumangga ito sa kasalubong na motorsiklo ni Lopez.


Nagtamo ng pinsala sa kanilang katawan si Rabago at Fernandes habang si Lopez ay isinugod sa isang pribadong ospital dahil sa malalang kondisyon nito.

Samantala kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng PNP Cauayan City sa nasabing banggaan.

Facebook Comments