Bangkay na natagpuan sa Caloocan City, kumpirmadong hindi ang nawawalang person of interest sa Bulacan Massacre na si Alvin Mabesa; Pamilya ni Mebesa, nakahinga ng maluwag

Caloocan City – Napasugod sa Barangay 175, Balintawak Road, North Caloocan City ang mga kamag-anak ng nawawalang person of interest sa Bulacan Massacre na si Alvin Mabesa.

Ito ay matapos na matagpuan ang isang duguang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa nasabing lugar.

Nakasuot ito pulang t-shirt at puting short na may nakapatong na karatulang nagsasabing siya ay drug pusher at rapist.


Nakahingang maluwag naman ang pamilya nang makumpirmang hindi si Mabesa ang naturang bangkay.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng naturang bangkay.

Matatandaang isang linggo nang nawawala si Mabesa matapos dukutin sa Quirino Highway sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Una nang naiulat ang pagkamatay ng tatlong iba pang persons of interest sa Bulacan Massacre habang patuloy pang hinahanap si Mabesa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments