Bangkay ng babaeng natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Cagayan, hinihinalang ginahasa muna bago pinatay

Cagayan – Hinihinalang ginahasa bago pinatay sa saksak ang isang babae na natagpuang walang pang-itaas na damit sa may bahagi ng ilog sa Barangay Centro dos, bayan ng Enrile sa lalawigan ng Cagayan noong Linggo (September 17).

Ayon kay chief inspector Edwin Aragon, hepe ng PNP Enrile – posibleng pinahirapan pa ang biktima na nakilalang si Rodessa Imbat, 29-anyos na residente ng San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa kalunos-lunos na itsura nito.

Isang construction worker ang nakakita sa biktima na palutang-lutang sa ilog na unang napabalitang nawawala noong unang linggo ng Setyembre at nakilala lamang ng magpakita ang kapatid nito.


Hindi naman nagibgay ng pahayag ang nagpakilalang kapatid ng biktima kaya’t patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na din ang motibo sa krimen.

Facebook Comments