Bangkay ng Grade 9 student, Natagpuan na makaraang malunod

72

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang katawan ng isang Grade 9 student matapos itong malunod sa irrigation canal bandang 12:30 kahapon ng tanghali sa Brgy. Sta Cruz, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jundell Pascual, 14-anyos at residente ng Brgy. District 3 sa nasabing bayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng San Manuel Police Station, pasado 10:00 kagabi ng makatanggap sila ng impormasyon na may insidente ng pagkalunod ang nangyari sa sa nabanggit na lugar na biktima ay isang menor de edad.

Ayon sa pulisya, napagkasunduan umano ng mga kasama ng biktima na maligo sa irigasyon ngunit habang naglalaro ang nasawing biktima na isang non-swimmer ay agad itong tumalon sa irigasyon dahilan malunod ito.

Isa naman sa kasama ng biktima na kinilalang si Virgo Delos Reyes, 14-anyos ay sinubukan pa nitong iligtas ang kanyang kaibigan na nalulunod subalit hindi napanatili ang pagkapit nila sa isa’t isa kaya humantong na sa pagkalunod.

Facebook Comments