Bangkay ng isa sa mga sundalong namatay sa bakbakan sa Marawi City hinihintay ng pamilya nito sa Koronadal City na maiuwi na

Koronadal City – Hinihintay nang kanyang pamilya dito sa Koronadal City na maihatid ang bangkay ng isang sundalo na namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Militar at Teroristang Maute Group sa Marawi City.
Kinilala ang nasawing sundalo na si PFC Mark Darell Aranton Parba, 22 anyos at residente ng Purok Mabuhay 2, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.
Ayon sa ina na si Merlyn Parba sa ipinaabot sa kanila ang impormasyon, na ngayong hapon darating ang bangkay nito sa lungsod.
Kinumpirma pa nito na noong Pebrero lamang nakatapos ng Training sa AFP ang anak at kasama sa ipinadala sa Marawi City bilang sakay ng armored vehicle.
Ikinalulungkot naman ng pamilya ang nangyari kay PFC Parba at hiling naman ng ina sa Gobyerno na pulbusin na ang teroristang Maute Group dahil maraming buhay ang nawala.
DZXL558

Facebook Comments