Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa isang bakanteng lote sa Caloocan City

Manila, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Brgy. 162 sa Caloocan City.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng kulay puting t-shirt at maong na pantalon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, nakatanggap sila ngn tawag na may bangkay ng lalaking natagpuan sa bakanteng lute sa bahagi ng Lupang Pangako Sta. Quiteria.


Wala namang nakitang anumang pagkakakilanlan sa biktima na may tama ng bala sa katawan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at kung sino ang nasa likod nito.

Facebook Comments