Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuan sa Lungsod ng Ilagan!

City of Ilagan, Isabela – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki kaninang umaga na pinaghihinalaang binaril sa Brgy. San Felipe, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si George B. Dangpalan, nasa tamang edad, residente ng Valley Home Subdivision Patul, Santiago City at kasalukuyang namamalagi sa Brgy. San Felipe, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng tawag ang tanggapan ng PNP City of Ilagan mula sa Punong Barangay ng nasabing lugar na may natagpuang bangkay na wala ng buhay sa Purok 1 lower, Brgy. San Felipe City of Ilagan.


Agad na nirespondehan ng mga otoridad kasama ng Soco Team ang nasabing lugar na pinangyarihan ng insidente at narekober ang apat na piraso ng kalibre 45.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP City of Ilagan sa naturang insidente habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments