
Wala nang buhay at nakahandusay sa kalsada at duguan ang isang lalaki matapos umano ma-hit and run.
Gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, Barangay Dela Paz, Antipolo, Rizal na kalsada kung saan kalimitan umano mabibilis ang dumaraang mga sasakyan.
Ayon sa inisiyal na imbestigasyon, wala pang pagkakakilanlan ang nasawing biktima dahil walang makitang IDs mula sa mga gamit nito.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon at backtracking sa nangyaring aksidente.
Facebook Comments