BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA PANTAL RIVER, DAGUPAN CITY

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Pantal River, Dagupan City, kahapon.

Isa sa residente ang una umanong nakapansin na may lumulutang na tao sa naturang ilog. Agad na tumawag ng tulong ang barangay at agad naman itong nirespondehan at naiahon sa tulong ng PCG, CDRRMO, Dagupan PNP, at ilang POSO enforcers.

Sa ngayon, sasailalim pa sa imbestigasyon ng kapulisan ang natagpuang bangkay upang alamin ang pagkakakilanlan at dahilan ng pagkamatay nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments