BANGKAY NG ISANG MAGSASAKA, NATAGPUAN SA TABING ILOG SA BAYAN NG UMINGAN

128

UMINGAN, PANGASINAN – Natagpuan na lamang ang malamig na bangkay ng isang magsasaka sa tabi ng ilog sa bayan ng Umingan.

Napag-alamang si Domingo Daluyen ang nakitang wala ng buhay sa tabi ng ilog, isang kilometro ang layo mula sa kanyang bahay.

Bago pa man natagpuan ang bangkay ni Daluyen, magtutungo sana si Gng. Corita Sibayan sa bahay ng biktima para sana sa palay na kanilang aanihin ngunit napansin nitong mayroong dugong nakakalat sa harapan ng pintuan ng bahay ng biktima.


Sinundad ang mga dugong nakakalat at sa bahagi ng tabi ng ilog na tumambad ang malamig na bangkay kung saan agad na ipinagbigay alam sa awtoridad .

Isinagawa naman ng SOCO Urdaneta ang imbestigasyon para iproseso at upang malaman ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.###

Facebook Comments