Bangkay ng isang pinay na sinilid sa maleta, natagpuan sa tulay sa Dubai

1292

Natagpuan ang bangkay ng isang pinay na isinilid sa isang suitcase at nadiskubre sa ilalim ng tulay sa Dubai.

Batay sa inisyal na impormasyong ibinigay ni Philippine Consul General to Dubai Renato Dueñas Jr., namatay ang biktima sa sakal.

Itinanggi namang isiwalat ni Dueñas ang pagkakakilanlan ng biktima dahil na rin sa kahilingan ng pamilya ng pinay na pinatay.


Sa kabilang banda, sinabi pa ni Dueñas na naaresto ang nasabing suspek sa pagpaslang.

Hindi pa nailalabas ang ilang mga detalye sa krimen bunsod na rin ng patuloy na imbestigasyon.

Facebook Comments