Bangkay ng lalaking ginilitan ng leeg, natagpuan sa Parañaque City

326

Parañaque City – Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa tabi ng basurahan sa ilalim ng overpass sa Ninoy Aquino Highway, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ayon sa saksing si Joselito Samonte na isang mangangalakal, nakita nila ang isang kotse na tumigil at umatras doon sa lugar.

Nakarinig na lamang sila ng kalabog na tila may ibinagsak na basura.


Noong una, inakala nila na nakatulog lamang ang lalaki dahil sa sobrang kalasingan pero nagulat sila nang makita na halos matatanggal na ang ulo nito matapos gilitan ng leeg.

Facebook Comments