Bangkay ng lalaking nawawala sa kalagitnaan ng fluvial parade kahapon sa Taguig, natagpuan na

456
Courtesy: Luar Toti Cruz's Facebook

Isa ang patay habang anim ang sugatan matapos ang trahedya sa kalagitnaan ng fluvial parade na ginanap sa Taguig kahapon.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, nangyari ang aksidente pasado alas-5:00 ng hapon habang ginugunita ang feast of Santa Ana at Taguig River Festival.

Natigil ang pagdiriwang nang mabangga ng isang bangka na may lulan na 14 na pasahero ang isa pang bangka na may sakay naman 12 pasahero.


Unang napaulat na nawawala ang lalaking nasa edad 30 anyos at nakita ang bangkay nito pasado alas-6:00 ng umaga kanina.

Samantala, nagpapagaling naman ang mga sugatan na nasa Rabi Hospital at Taguig Pateros District Hospital.

Facebook Comments