Bangkay ng lola na isang buwan nang nawawala, natagpuan na ng QCPD sa bahagi ng Rizal

Natagpuan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang 79-anyos na lola na may isang buwan nang nawawala.

Kinumpirma ni QCPD Director PBGen. Nicholas Torre III na nakita na ng mga tauhan ng Criminal Investigation Unit ang bangkay nito sa bahagi ng Rizal.

Lumilitaw na may tama ito ng bala ng baril at iniwan lang sa bangin.


Ayon pa kay Torre, hawak na nila ang isang taxi driver na suspek sa pagpatay sa isa niyang pasahero na iniwan naman sa lalawigan ng Bulacan.

Hindi pa muna pinangalanan ang suspek habang nagpapatuloy ang paghahanap sa iba pa nitong kasabwat.

Facebook Comments