Bangkay ng matandang babae, natagpuan sa siyudad ng Cauayan

93

Cauayan City, Isabela – Natagpuan kahapon ang bangkay ng isang matandang babae sa isang bukid sa Purok Singko, Barangay Nagrumbuan, siyudad ng Cauayan.

Nakilala ang bangkay na si Crisanta Gaspar, 63 anyos, at residente ng Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Ayon sa ulat, noong araw pa ng Sabado naiulat ng kaniyang pamilya na ito ay nawawala.

Pinaniniwalaang na heat stroke ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Natagpuan siya ni Moris Cafirma, caretake ng nasabing bukid.

DZXL558

Facebook Comments