Bangkay ng NPA na Napatay sa Bakbakan noong 2020, Natagpuan sa Cagayan

16
Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Liaga Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan noong April 27,2022.

Ayon sa inilabas na report ng Police Regional Office 2, kinilala ang bangkay na si Mary Grace Bautista alyas “Sinag” na napabilang sa engkwentro sa pagitan ng PNP at NPA sa Mabuno, Gattaran, Cagayan noong Agosto 2020.

Si Bautista ay maybahay ni Edgar Bautista alyas “Simoy” na dating miyembro ng Komprob Cagayan.

Napag-alaman rin na si “Sinag” ay kabilang sa listahan ng mga “Most Wanted Persons” sa ilalim ng DILG Memorandum Circulars.

Sinasabing may patong ito sa ulo na halagang Php 175,000.00 dahil sa kasong Murder, Multiple Attempted Murder at Robbery matapos ang pagpapalabas ng Warrant of Arrest ng Regional Trial Court 2nd Judicial Region, Branch 18, Ilagan, Isabela.

Nakatakda namang ihatid sa huling hantungan ang labi nito sa kanilang lugar sa Gamu, Isabela.

Facebook Comments