Bangkay ng Security Guard natagpuang palutang- lutang sa Tamontaka River

59

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Cotabato City PNP kaugnay sa kaso ng natagpuang bangkay ng isang Security Guard sa Tamontaka River.
Palaisipan pa kung anu ang maaring naging dahilan ng kamatayan ni Leanne Orinday, 33 anyos residente ng RH 8 sa syudad ayon pa kay PMaj Teng Bacal, hepe ng Station 3 sa naging panayam ng DXMY.
Wala naman aniya tama ng bala o saksak ang bangkay na natagpuan bukod na lamang sa dugong nakita sa bibig nito dagdag ni Major Bacal.
Agad naman naihaon mula sa ilog ang bangkay ni Orinday at agad na nadala sa Villa Funeral Homes.
Sinasabing nakapagfile pa ng Leave si Orinday mula sa kanyang ahensya magmula noong Feb. 10 hanggang Feb. 15.
Ikinalungkot naman ng kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga kakilala ang sinapit ni Orinday.
Si Orinday ay nakabase sa isang Unibersidad sa syudad.
PIC : FB Pic

Facebook Comments