Bangkay ng sundalong namatay sa engkuwentro sa Marawi, dumating na sa Pagadian

298

Pagadian, Philippines – Dumating na kahapon ng alas-4:55 sa Pagadian City mula sa Marawi ang bangkay ng isa sa mga namatay na sundalo sa nagpatuloy na engkuwentro sa Marawi City.

Malungkot man ngunit tanggap na ni Estila Rota ang naging kapalaran ng kanyang anak si private Marlo Rota, 21-anyos, kung saan kanyang sinabi na kabilang ito sa sinumpaang trabaho ng anak bilang sundalo ng gobyerno.


Si Marlo ay isa sa miyembro ng military sa ilalim ng 44th infantry battalion na namatay sa nangyaring engkuwentro laban sa Maute group.

Ang bangkay ng naturang sundalo ay nakahimlay ngayon sa bahay ng pamilya sa barangay Sta. Lucia, sa lungsod ng Pagadian.
DZXL558, *Kenneth Bustamante*

Facebook Comments