Bangsamoro Government nakikiisa sa National Women’s Month Celebration

Matagumpay na naidaos kahapon ang 2020 National Women’s Month Celebration Kick-Off Ceremony.

Sinimulan ang aktibidad ng isang parada sa BARMM Compound na nilahukan ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan at sinundan ng isang programa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex.

Tema ng okasyon ngayong taon “We Make Change Work for Bangsamoro Women,”


Pinangunahan ni Bangsamoro Women Commission Chairperson MP Bainon Karon ang aktibidad kasama ang iba pang opisyal ng BARMM.

Samantala , ayon naman kay BTA Member Parliament Sittie Shahara Mastura na isa sa panauhing bisita sa aktibidad, sinabi nito na makakaasa ang Bangsamoro na isusulong ang mga karapatan ng mga kababaihan at ka-isa siya sa pagsulong ng mga proyekto at programang makakatulong sa kababaihan.

Nagbigay din ng mensahe para sa mga kababaihan Bangsamoro sina MP Atty. Anna Tarhata Basman, MP Engr. Aida Silongan ng Ministry of Science ang Technology, MP Dra.Susana Anayatin, at Atty. Sha Elijah Dumama Alba, Attorney General, Office of the Chief Minister na inihalili naman si ICM Ahod Balawag Ebrahim.

Nakalatag naman ang ibat ibang programa sa BARMM para sa long month celebration.
BARMM PIC

Facebook Comments