Bangsamoro Government, nanawagan sa mga Muslim na magsama-sama kahit ‘physically distant’ ngayong Eid al-Adha

73

Nanawagan ang Bangsamoro Government sa mga pamilyang Muslim at mga komunidad na magsama-sama kahit may distansya ang bawat isa sa gitna ng COVID-19.


Ito ang mensahe ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim kasabay ng selebrasyon ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay Ebrahim, kung mayroon mang isang bagay na maaaring matutunan sa pandemya ay ito ang pagtutulungan ng bawat isa.

Matatandaang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang July 31 bilang regular holiday.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa holiday pay rules ngayong araw.

Pero binigyan din ng DOLE ng opsyon ang mga employer na kanselahin ang holiday pay habang nararamdaman pa ang epekto ng national health crisis bunga ng COVID-19 at hanggang sa maibalik ang normal business operations.

Facebook Comments