Bangsamoro Transition at ARMM Infrastructure Projects, ipinasasailalim sa Midterm Review

124

Umaapela si Deputy Speaker Mujiv Hataman na isailalim sa masusing pagbusisi ang parehong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) transition period gayundin ang mga infrastructure projects sa ilalim naman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Hataman, maghahain siya ngayong Lunes ng resolusyon para itulak ang midterm review partikular na sa BARMM transition period at mga napaulat na maanomalyang disbursement sa ARMM infra projects.


Iginiit ng kongresista na mahalagang magkaroon muna ng malalim na pagsusuri sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) bago ikunsidera ang posibleng pagpapalawig dito.

Matatandang isinusulong ng BTA ang extension ng expiration nito sa 2025 mula sa kasalukuyang 2022.

Bukod sa extension ng lifeline ng BTA ay ipapasiyasat din sa Kamara ang ilang obserbasyon ni BARMM Public Works Minister Eduard Uy Guerra kung saan mayroon umanong iregularidad sa ARMM projects.

Nauna na ngang humiling ang BARMM ng special audit kaugnay sa kwestyunableng 3,000 ARMM projects na aabot sa P107 Billion.




Paglilinaw naman ni Hataman, hindi siya tutol sa extension ng BTA ngunit mahalagang magsagawa muna ng midterm review para dito upang malaman kung talagang may problema nga ba sa ARMM at para solusyunan ang mga hamong kinaharap ng BARMM transition leadership sa mga ipinatutupad na proyekto.

Facebook Comments