Bankers Association of the Philippines, suportado ang BSP sa limit interest ng mga credit cards holders

103

Suportado ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ang mungkahi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglagay ng limitasyon sa interest ng mga credit card holders.

Sa press statement, sinabi ni Benjamin Castillo Managing Director ng BAP, nais nilang magkaroon ng healthy working relationship sa kanilang mga kliyente kung kayat agad nilang susundin ang payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Aniya, sa panahon ng pandemya ang mundo ay may kaukulang hakbangin upang hindi tumaas ang mga interes sa pagkakautang ng kanilang mga kliyente.

Una nang hiningi ng BSP sa mga banko na magpatupad ng mas mababang interest sa credit card upang tulungan ang publiko na hindi mabigatan sa pagbabayad.

Facebook Comments