Banking Hours sa Lungsod ng Cauayan, Pinaikli na!

Cauayan City, Isabela- Nagpasya na rin ang ilang bangko dito sa Lungsod ng Cauayan na bawasan ang kanilang banking hours.

Sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, naglabas na ng statement ang Northern Isabela bankers association na mula sa whole day operation ay magiging kalahating araw nalang.

Magsisimula ang operasyon mula ala alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.


Magtatagal ito hanggang April 14, 2020.

Ilan lamang sa isinaalang-alang ng asosasyon ay ang kapakanan ng manggagawa sa bangko tulad ng exposure sa virus at konsiderasyon sa pag sakay.

Ang pinaiksing banking hours ay sumasakop sa lahat ng mga banko at rural Bank sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments