Bansa, nawalan ng isang great leader – kongresista

“Great public servant.”

Ganito inilarawan ni Deputy Speaker at Bro. Eddie Villanueva ang yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Ayon kay Villanueva, nawalan ngayon ng isang “great leader” ang bansa.


Sinabi ng CIBAC Partylist Representative na naging inspirasyon ngayon para tahakin ng bansa ang daang matuwid dahil sa leadership ni PNoy.

Marami aniyang buhay ang nabago at pinangunahan nito ang bansa na humarap noon sa maraming pagsubok.

Aniya, ang kanyang anak na si Senator Joel Villanueva ay marami ring kwento tungkol kay Aquino noong siya pa ang TESDA Secretary.

Hinahangaan umano si PNoy sa kanyang work ethic at tunay na pag-aalala sa mga mahihirap.

Si PNoy rin aniya ay isang boss na ikinararangal ng bansa.

Facebook Comments