
Sinopla ng Malacañang ang panibagong banat ni Vice President Sara Duterte matapos tawagin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lider na walang kakayahang intindihin ang tunay na kalagay ng mga Pilipino.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tila inilalarawan ni VP Sara ang sarili dahil siya mismo ang unang umamin noon na wala siyang karanasan o kaalaman na mamuno nang maging kalihim ng Department of Education (DepEd).
Nakita naman aniya ng publiko kung paano naging pabaya ang bise presidente sa DepEd dahil sa kabi-kabilang kontrobersya.
Kabilang na rito ang isyu sa higit isang milyong pisong halaga ng mga biniling laptop, na patuloy na nireresolba ngayon ni Sec. Sonny Angara.
Pati na ang P5.7-billion na ginastos para sa mga gatas at Nutriban, na hindi man lang napakinabangan ng mga estudyante.
Gayundin ang isyu sa tinaguriang “ghost students” ng senior high school voucher program.